is it real or,
just another crush?

Entries for January, 2008

January 28th, 2008

MANHID

isang salitang itinuturo ako ang di ko maintindihan bakit tumatak sa isip ko ng sinabihan akong ganito -- MANHID.

ano bang rason bakit ako ganito? di ko rin maintindihan e. di ko ba kayang makaramdam ulit? talent ko na to e. ang di masaktan. pero mukhang ako makakasakit. mukha nga. baka nga. siguro nga di pa ako nakaka-ahon mula sa sakit na naramdaman 2 taon na.

2 taon na. tagal na. tapos na. takot pa rin.

ano bang mapapala ko pag binuksan ko ulit puso ko? pag binuksan ko puso ko, masasaktan lang ulit ako. andyan lang siya. andyan ka lang. limang porsyento na lang mahal na kita. pero alam kong hindi pwede, kaya mabuti pang di na lang. ayako na. pagod na ang pusong tumibok.

di lang halata. pero hindi pa talaga ako handa.

oo na. manhid na. pasensya naman. nagmahal lang. at nasaktan lang. siya ba ang una't huli? imposible. andyan ka. sabihin mo lang na pwede, maririnig mo pintig. ikaw ang matagal na gustong isigaw.

manahimik. magkimkim. manatili. tumigil. MANHID.

mchn screamed at 01:47 PM | comments?

navigation
profile
a Communication Research major in UP Diliman; daughter of a singer and a painter; sings and dances for God and my community; wishes to live in Japan :)

tag
your name:

url:

your message:

links

visit
- Multiply, pics
- Facebook, account
- visit UP PRAdS' CIRCUIT site.
- YFC-SFX site
- my Email: saubonm@yahoo.com