Masyadong Tagalog
nakakatawa. wala lang. hindi ko kasi alam kung tama lang ba na hinayaan ko lahat to mangyari. antagal na noon kahit papano pero di ko maiwasan maisip. tama nga ba o mali?
kaya ko itago sa iba pero sa sarili ko hindi. eto na naman ako, si kimkim. alam mo ba, oo, ikaw, na hindi pa ako umiiyak? di ko pa nalalabas yung talagang naramdaman ko noon at nararamdaman hanggang ngayon. saka na lang. mga pagkatapos ng 10 taon har. ewan. di ko lang siguro alam kung ano dapat maramdaman. iniisip ko kasi, mabuti na rin siguro 'to. tingnan mo, mabubuhos mo na atensyon mo sa pagaaral mo kaya mas mabilis mo makukuha yung mga pangarap mo. ibig sabihin, mas magiging masaya ka. yun naman ang hangad ko para sa yo e. kaya kahit walang-wala na tayo komunikasyon, kampante ako na maayos ang kalagayan mo.
pero alam mo ba, oo, ikaw pa rin, na di ko maiwasan na isipin, "busy siya, kumusta na kaya siya? kumakain ba siya sa oras? kilala pa kaya niya ako? baka marami na siyang kakilala, baka pag nagkita kami di na niya ako matandaan." ang kenkoy no? pero totoo, tingin ko di mo na ko naiisip, na di mo na ko kilala saka natatandaan. ikaw pa? e pag may gusto ka kalimutan, nagagawa mo. ü
kung ako tatanungin mo, musta ako, eto, nagpapapayat pero tumataba naman. maniwala ka, TUMABA NA KO NGAYON. haha. ü may mapipisil na sa mukha ko. ü kung itatanong mo naman kung ako di ka na kilala, sa totoo lang, parang di ko na masyado natatandaan mukha mo. buti may picture ka sakin haha. biro lang. tandang-tanda pa kita. sa gabi nga kahit madaling araw, iniisip ko kung tatawag ka kaya? pero, hindi. asa. pero ayos lang. aral ka na lang. hehe..
ga pala, busted na si kevin haha.. sabi ko sa kanya, aral muna kasi 31 units ko ng 1st sem. di ko nasabi sa kanya yung part na "saka di ko pa kaya magmahal uli". ingat, baka ikaw naman ligawan. alam mo naman yun.
bakit nga ba ako nagpost ng para sayo? e kasi, wala ng paraan para makausap ka o anuman. ipost na lang sa public di ba? hehe.. nga pala, tuwing napapanood ko 'bahay mo ba to', wala lang. har.
ok na rin naman ata to e no? andaming nagbago. sigurado ako hindi ka na napapagalitan ng mommy mo kasi madalas ka pagalitan dahil sakin e. tas wala ka ng sakit ng ulo. haha. yyngat lague. yun lang. at, kung iniisip mo na hindi ko tinanggap yung sorry mo [sabi ni anne e], tinanggap ko yun. kaya sana matanggap mo rin yung sorry ko sa lahat-lahat ng kaepalan ko sayo. har. seryoso, patawarin mo sana ako sa mga pagkukulang ko. un.
nga pala uli, pasok rin nga pala upg ko sa cut-off ng UPLB, kaso di ko na inasikaso. ayako dun. di ko kaya mabuhay mag1, probinsya pa. ni di nga ako makaluto ng sariling pagkain e.
aun, la na ko masabi. anhaba na nito. paalam na muli.. yngat ling. yek.. hehe..
Currently listening to:
1 wish
Currently reading:
emails
Currently
watching:
mel nd joey
Currently
feeling:
weird
mchn screamed at 07:59 PM | 2 comments.

