is it real or,
just another crush?

Entries for July, 2005

July 4th, 2005

SUGO!

bago pa man ipalabas ang sugo, ikekwento ko na ang aking nalalaman ukol dito:

may 2 tribe: ang karag-ayan at binhil-an. good force yung karag-ayan tapos bad force yung binhi-lan. may certain na Abo Abukal [ba yun?], masma siya. in short, sa binhil-an siya. tapos patay na siya.

centuries na halos nagaaway yung dalawang tribe. in every generation, laging may girl na magiging susi para mabuhay si Abo Abukay. ang trabaho ng good force, patayin yung susi. ang sa bad force, protektahan pra mabuhay si Abo Abukay.

Si Lorna Tolentino, galing Karag-ayan, nainlove kay Jestoni Alarcon na galing Binhil-an. Tapos, anak nila si Richard 1 at 2. Yun si Miguel [white] at Amante [black]. Si Miguel ang Slayer ng key at si Amante ang Protector.

Bakit magiging magulo? kasi pareho sila maiinlove kay Isabel Oli, e siya yung susi e. HAHA!

ayos ba? UPDATED NA! una ako ha!!!!!!

mchn screamed at 12:17 PM | 2 comments.

July 11th, 2005

GOD BLESS YOU.

kung sino ka mang manloloko ka, bahala na sayo si Lord.

sa lahat ng pagnanakawan mo, bestfriend ko pa. nakakainis ka kahit hindi kita kilala. PINAGHIRAPAN NIYA YON. DREAM FONE PA NYA. i know hindi mo to mababasa kasi jurassic ka. SA CELFONE NGA HANGANG-HANGA KA PARANG DI KA PA NAKAKAKITA NG CELFONE, kaya nagawa mong kumuha ng bagay na hindi sayo.

bahala na si Lord sayo. Dadalhin mo ang parusang nakapataw sayo hanggang sa kabilang buhay mo. GOD BLESS.

ABI, alam ko kung ano nararamdaman mo. pero always keep in mind, ang ating forever na paniniwala, SOLO DIOS BASTA.

mchn screamed at 12:39 PM | 2 comments.

July 13th, 2005

bumaba ako sa jipney

ang sweet....

asa jip ako kahapon pauwi. then sa may masinag, may sumakay na 2 students: 1 cute guy and 1 cute girl. here's their conversation:

guy: alam mo ba, wala pa akong friend na as in pangmatagalan. lagi nln paiba-iba. kasi naman palipat2 kami ng bahay kaya wala akong friend na pang long-term.

girl: edi ako.

[guy smiled. d girl also smiled]

sweet. para silang isasali sa close-up to fame. dko lang lam kung taga-saang school kasi dko maaninaw ung logo ng school sa uniform nila.

cute talaga when a friendship starts that way. malay ba natin maging sila. kung artista lang sila, susubaybayan ko love story nila. promise, ang sweet.

nga pala... MAY LAGNAT AKO. cant make it tomorow sa tour sa DOST at meralco foundation. [aww..]

un ln.

mchn screamed at 03:02 PM | 6 comments.

July 15th, 2005

MANHID BA AKO?

"...huh? uhm, kasi im in my senior year na e. and you know how gago i was before. i need to focus on my studies now, as in major focus. graduating na kasi ako..."

"ahh... hehe... i understand. ai, nagisa na ang peborit kong Ligo sardines. kain na ako. michelle, tawagan na lang kita mamaya, kain lang ako. hehe"

he sounded as if he wasnt really affected, and that everything was just fine. but i know deep inside of him, he was hurt. grade four pa lang pala siya [grade 5 ako], he admires me na. sobrang tagal niyang hinintay ang pagkakataong masabing "I LOVE YOU [simula pa ng maging magka-service tayo]".

etong fone conversation na to, kanina lang to. actually, balak na niya ako puntahan at dalhan ng fruits kasi nga may sakit ako pero dahil sa umuulan, nagusap na lang kami sa fone. una, lokohan pa. as in labasan ng kalokohan. ung mga cutting, inuman, etc. mas malala lang siya kasi nakikipagsuntukan e. pareho rin kami halos ng reason kung pano kami ngstop. siya, dahil sa leadership training [christian siya] at ako, dahil sa pagiging YFC ko.

was i too rude? tipong alam ko kung gano siya nghintay tapos sasabihin ko na lang na i need to focus on my studies? IM SORRY B. totoong nagseseryoso ako ngayon sa pagaaral ko. hindi ko lang masabi sayo na hindi ko kasi kayang magmahal ulit e. di ko maabsorb, kahit naf2eel ko yung sincerity mo. sabi mo db, hindi ka muna maiinlove sa girls... kay God ka lang inlove, kaso nung makita mo ako ulit nagiba bigla. sory... pareho lang tayo. kay God lang ang puso ko ngayon. sana hindi magbago friendship natin. kaw na nagsabi, you want to get closer to me... so do i.

mga kaibigan... di kaya karmahin ako? para kasing nambabalewala ako ng feelings ng ibang tao e. MANHID BA AKO? sabihin nio nga... MANHID NGA BA TALAGA AKO? di ko na alam e. baldado na ata ako pagdating sa mga ganito...

mchn screamed at 02:57 PM | 6 comments.

July 18th, 2005

di na naman nakasama!

asar! dahil sa skit ko, di na naman ako nakasama sa lakad ng YFC! argh! nagkaworkshop na at lahat2 e hindi ako nakadalo! dito lang pala sa school ginanap yun.

SAYANG!!!!

sorry Lord! bawi na lang po ako...

mchn screamed at 02:20 PM | 1 comments.

July 20th, 2005

kwarto

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban
Mga liham ng linihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan dahan kong inipon
Ngunit ngayon kailangan ng itapon

Chorus
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon..

May jacket mong nabubulok sa sulok
Inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa baway beses na
Tayo'y nasaktan

Repeat chorus

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto't naron sya

Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto (4x)

Magpapaalam na sa'yo (3x)

Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto..

mchn screamed at 12:34 PM | 3 comments.

July 24th, 2005

Bday-Bday.ü

bday ni lel ngaun, ung pinsan ko, at bente na cia. sarap asarin amf.üüü siya lang naman ang peborit kong insan kasi lumaki ako sa bahay nila noon. hehe... at dahil bday nia, wala akong gift. haha! stehg.

malufet kasi bilang YFC, hindi ako nag-give in sa temptation. anong temptation? ang uminom. har. hindi ako uminom yey! kahit sabihin na nting may okasyon at ok ln uminom, hindi parin. kasi para sa mga friendship nia un at hindi ako kasama dun. anong ginawa ko? NAGVIDEOKE!

to the limit amf! sarap kantahin ng through the fire. walang pipigil sayo. har. naka-100 pa ako sa sometimes [britney spears]. tapos tell me wer it hurts pa. basta dami ko kinanta kahit mej inuubo2 pa ako. astehg dv? har.

magbbday din pala ako? uso pala bday? hindi ko nga mafeel e. ewan ko kung bakit. pero dahil dun, papabday-an ko na sarili ko [PARA NRN ITO KAY LADY. REQUEST NIA TO E].

SA LAHAT NG FORMER FRIENDS KO NA NAGKASALA SA AKIN [FEELIN AMF], SA MGA NANAKIT NG AKING DAMDAMIN [NAKS], SA MGA TUMALIKOD SAKIN, PINAPATAWAD KO NA KAYO. [pero it doesn't mean babalik tayong lahat sa closeness natin ha. forgiven lang kayo. depende nln kng kausapin ko kayo. basta.] WAG NIO LANG SUBUKING ULITIN SAKIN, AYOKO NG MATARANTADO ULI HA.

un ln. para masaya na buhay ko, at nire2quest na matagal ni lady na magpatawad na ako. o yan, di lang ito para sayo. ciempre para sakin na rin ito. ayoko na ng may dinadalang pabigat sa saloobin ko. un ln. hapi2 na tayong lahat. muli, HAPI BDAY INSAN LEL!üüü [yak konek?]

nga pala, mej may malaking problema lang ako. LANG. NAKALIMUTAN KO NA ANG PASSWORD SA ~CHANMICH ACCNT KO. LINSHAK YAN O. PINALITAN KO KASI DATI PA, AT DKO MTANDAAN NGAUN KUNG ANU NGA PLA PINALIT KO. may balak pa naman sana ako sa accnt na un. lintek.

mchn screamed at 09:48 PM | 4 comments.

July 28th, 2005

ANO MERON? HUH?

ANO MERON???????????????????

oL ako knna pang quartr to 1am <<
nkchat ko c lady <<
iniwan ako. di naniwlang ank DAW ni Rizal c mao zedong <<
potahng SB yan. <<
pake ko kay Rizal? <<
anong gusto kong ipalit sa pangalan? <<
potahng worksheets ko. nsan? magnanakaw. <<
nkachat ko c vien. help daw. o cge, eto link o. <<
linshak yan. tirik na araw gising prn ako. <<
potahngna. <<
Laong-Laan. Ever-Ready? <<
Dimas-alang. Ano to? <<
ano english ng Protacio? Protace? Protractor? <<
helo ateneo. helo ust. <<
Daming blangko sa sagot ko. <<
Jose Manalo, sikat ka ba? <<
Lam-Co Lam-Mo pero Lam-Mo, ang hirap amf. <<
babye na. may pasok pa ko now na. <<
ai potah quiz sa Biochem. ayw ko na. <<
taenang physics. <<
potahng SB yan. <<
SB. Sabugan. Bangagan. <<
taena. ayoko magnursing. laln. <<

mchn screamed at 06:07 AM | 1 comments.

July 29th, 2005

"IF YOU ACCEPT SURRENDER, GIVE UP SOME MORE..."

- walking after you; foo fighters

mchn screamed at 11:59 AM | comments?

July 31st, 2005

hapy bday mchn.

12:16am na at wala pang bumabati saken. gagu SUN e. wala network amf. nweiz...

**bday ko. anong gagawin ko?

> magreview for UPCAT.
> magsimba sa ANTIPOLO.
> tumanga sa bahay.
> gala? di na.
> aral-aral...
> asikasuhin sarili for apps sa college.

HAPPY BIRTHDAY NA LANG TO ME KAHIT BUSY AT HINDI KO MAFEEL. sobra. parang may kulang. o talagang busy lang ng major. =c

**bukod sa UP, san ko pa balak magapp?

> UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
> ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

...sa ngayon, ito pa lang naiisip ko. isang libo agad ang kelangan ko. wala ako balak sa DLSU. bukod sa mas mahal, ayoko lang talaga.

linshak yan, PAREHONG SCHOOL PA NI RIZAL AMF. wala ako balak sundan yapak ng nobelistang yun. ayoko yata mabaril sa bagumbayan at ilibing ng walang damit at kabaong kundi hat at shoes lang [naks, halatang nagaaral ng rizal]. mi ultimo adios ampuch. hija del sol querida. tama ba? nyahe.ü

**ano ba balak ko?

> kumuha ng pre-law course at maglaw.

**ano ba kinuha kong mga course?

UP Diliman:
1st - BA Speech Communication [pre-law pala ha]
2nd - B  Music [wow, pre-law nga]

UP Manila:
1st - BA Behavioral Science [ano ba to?]
2nd - BS Occupational Therapy [kala ko ba pre-law. bt pre-med?]

UST:
1st - Faculty of Arts and Letters/Communication Arts
2nd - College of Fine Arts/Advertising
[asan ang pre-law jan??]

ADMU:
wala pa. pero dito for sure, baka mag-Business Mgmt nln ako [sunod sa yapak ng ate ko??] or PolSci na talaga.

asar lang kasi gusto ko talaga maglaw. e yung magpapaaral sakin ang gusto, magnurse ako. E AYOKO NGA NG MAY KINALAMAN SA SCIENCE E. SCIENCE HIGH NA NGA AKO ngaun AT AYOKO NA. pero in fairness, tama naman sila. malaki talaga sweldo ng mga nurse.

**kung wala akong pinasahan:

> magpapaliwara na ako [tama ba? paliwara?]
> bubuo ng banda para kumita ng pera
> pumasok na katulong [haha]
> magtulak ng droga amf
> magasawa ng M4 [Matandang Mayamang Madaling Mamatay]

**pumasa o hindi, isa lang hindi mawawala:

> MY BEING A PART OF THE YOUTH FOR CHRIST. love it.

comments anyone? ano kukunin nio course? e yung mga college na, ano course/school nio?

asr ang sun ha. wala pang bumabati tuloy saken. puch. hapy bday nln saken. ako nln una babati. hihi... habi mertne.üüü

mchn screamed at 12:21 AM | 5 comments.

navigation
profile
a Communication Research major in UP Diliman; daughter of a singer and a painter; sings and dances for God and my community; wishes to live in Japan :)

tag
your name:

url:

your message:

links

visit
- Multiply, pics
- Facebook, account
- visit UP PRAdS' CIRCUIT site.
- YFC-SFX site
- my Email: saubonm@yahoo.com