After 3 months, How am I?
Matagal ko nang iniisip kung ano ba talagang dapat kong maramdaman. Ako tumapos, pero ako ang naiwan. Hindi ko alam paano bubuuin lahat sa utak ko. Ano bang mas matimbang?
Wala naman nang mas sasarap pa sa pakiramdam na main-love e. Araw-araw, ang tanging paghahandaan mo lang ay kung pano mo ipaparamdam sa kanya na mas mahal mo siya kaysa sa kahapon. Pero, hindi mo pinaghandaan ang isang mabigat na bagay -- ang katapusan ng lahat.
Walang salitang makakapaglarawan gaano kasakit ang break-up, yung totoo nang break-up. Bilang ka ng bilang, "gaano na ba tayo katagal?" kaya tuloy nung natapos, hirap na hirap kang tanggapin. Akala mo kasi, ito na. Akala mo kasi, pangmatagalan na.
Huwag ka kasing makasarili. Hindi lang yung needs mo ang kailangang tugunan palagi sa relasyon. Oo, kailangan mo siya. Pero pano kung para sa kanya, hindi na ikaw ang kailangan niya?
MADAYA. QWERTYINGINA KA. -- Pede ka magalit hanggang lumabas ngalangala mo. Flashback: Dati gusto mo ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal mo siya. Ngayon, gusto mo ipagsigawan na "sana makarma ka ulul mo pakyu!" tama? Go lang girl. Normal magalit.
Ang tanong dyan ngayon: nagmahal ka pa? Kung hanggang sa huli, galit pa rin paiiralin mo. Eh ikaw pala tong ulul e. Huwag ka kasing makasarili.
Ang bilis ka niya kasing pinalitan. Wala kang magagawa kung ganun siya. E baya-bayani ka e, may prinsipyo na hindi mo kayang magmahal agad. Naniniwala ka na ang mga relasyon na nasisira, parang muscle pain. Kapag pinalitan mo agad, para ka lang uminom ng pain reliever pero ang totoo, the pain is still there. Niloloko mo lang sarili mo. Sabi mo nga di ba, let yourself heal on its own, heal gracefully. E ano yang drama mo? Madaya kamo? Hindi naman. Mahilig ka lang magpaka-bayani. Kailangan mo lang tanggapin na magkakaiba ang mga tao. Hindi mo pede ikumpara sarili mo sa kanya.
May nagpaparamdam naman sayo. Kahit kailan, kaya ka niyang tulungan makalimot. Maarte ka lang. Kasi pakiramdam mo hindi ka pa handa. Okay lang, edi hindi ka handa.
Tawanan mo sarili mo. Ang lala mo na girl. Kasi naman sino bang hindi mababaliw kung pagtulog siya maiisip mo, paggising siya pa rin maaalala mo. Maraming ngang nangyayaring maganda sayo ngayon, masaya ka naman so far, pero sa huli maiisip mo kelan lang siya ang una mong sinasabihan ng mga good news mo. At mas dadagdag pa sa kasiyahan mo yung ipapakita niya talaga niya sayong proud siya sa achievements mo. Oo, nakakamiss. Sobra.
Malungkot talaga pag natatapos ang kahit ano. Daig pa ending ng Harry Potter. Tapos na, baliw na baliw ka pa rin sa istorya.
Feeling mo may magic pa, pero hindi na totoo. Pede mong ireplay sa DVD, pero kahit ilang replay gawin mo, replay lang yon.
Replay pa rin. Hindi na aktwal.
Tungkol san ba talaga ang pagsulat mo nito? Nakakaloko kasi. Hindi malaman kung nakamove on ka na ba o hurt-hurtan ka pa.
Well, sabihin na siguro nating both.
Naalala ko yung kanta ng Happy Days Ahead:
"Ang sabi nila walang ibang magagawa kung ang puso'y lubhang nasaktan.
Ang sabi nila mananatiling paraan ang matutong muling magsimula.
Hindi pa rin nakikinig, nakailang ulit nang pinayuhan.
Hindi man lang sinusubukang umibig nang muli.
Ang pagmamadali ay simulan.
Ngunit ang sandali'y ayaw pa ring iwan."
Tama naman e. Lahat ng mga bagay, pinipili. Pinipili mong manatiling in love, pinipili mo pag nilaban mo na. Pinipili mo kung sino ang taong mamahalin mo. Ngayon, pinipili mong huwag mag-move on. Choice mo yan. Walang masamang aminin kung hindi mo pa kaya gumalaw. Ikaw yan.
Oo, ako to. Pinipili ko. Di ko lalaban. Walang masamang amining nasasaktan pa rin ako. Iniwanan ako ng maraming tanong, naghahanap ako ng sagot magisa. Kung tutuusin, sabihin mo lang na walan ka nang pakialam, labanan mo lang lahat ng kahinaan, malakas ka e, kaya kaya mo. Pero pinipili mo maging mahina.
Kasi turo niya sayo yon. Magmahal ka lang, Michan. MAGMAHAL KA LANG.
Walang hindi masakit sa break up, tanggapin mo yun. Para sakin, ang break up ay isang celebration. Hindi sa nangaasar a?
Hindi to tulad ng mga kantang nagsasabing I don't need you lalala I'm better off without you sht. Huwag ka ngang plastik, namimiss mo siya. Ang ibig sabihin ko sa celebration, yung tipong kada maaalala mo siya, ngingiti ka. Makikita mo siyang masaya sa panaginip mo, at yun ang pinaka-magandang mukhang makikita mo. Celebration of how the both of you were truly madly deeply in love with each other.
Celebrate -- kasi nagmahal ka, at minahal ka. Malungkot man na hindi na ikaw yung nagpapangiti sa kanya, panalo ka pa rin.
Kasi hanggang ngayon, pag naaalala mo siya, napapangiti ka na lang. Panalo kayo pareho. Masaya siya, kaya dapat masaya ka rin.Nakahanap na siya ng taong kaya siyang alagaan, protektahan at lahat ng feeling mong kaya mong gawin nung panahon niyo. Ikaw, kailan ka ba magiging handang mag-celebrate ulit? Yung tipong araw-araw kikiligin ka na lang. Araw-araw, bubuo ka ng bagong istorya mo na kung saan, improved na ang character build up mo?
Ewan natin. Basta ang tangi ko na lang alam ngayon, excited akong mainlove ulit. Kasi alam mong espesyal ang taong huling nagturo sayo kung paano magmahal ng buong buo.
Nasasaktan pa rin ako, pero okay lang. Kasi mahal ko pa rin siya, at okay lang.
Mahal ko lang siya. Mahal na mahal
Hindi man niya alam, hindi naman niya kailangang malaman pa. Ang importante, natuto akong maglet go. Natuto akong tanggapin na masaya na siya.
Isa na lang hinihintay ko -- bumalik ang best friend ko. Maghihintay ako kahit kailan. I love you.
Currently listening to:
Can't Help Falling in Love
Currently
watching:
Currently
feeling: